...wALAng kAmAtAyANg pAg-ibig...
Page 1 of 1 • Share •
...wALAng kAmAtAyANg pAg-ibig...
WALANG KAMATAYANG PAG-IBIG
Mula pagkabata,ay kasama ka na,
Ika’y nakilala,doon sa eskwela,
Naging kaibigan,at kamag-aral ka,
Naging karamay ka,sa saya o dusa.
Bata pa man noon, ako’y humanga na,
Sa iyong talino,sa angkin mong ganda,
Kahit na sabihing,noon ay musmos pa,
Sigurado akong,iyo’y pag-ibig na.
Dumating ang araw,ika’y nagdalaga,
Ikaw aking sinta,lalo kong sinamba,
Sa mga sandaling,ikaw ay kasama,
Ang aba kong puso,puno ng ligaya.
Maraming araw pa,ang mga nagdaan,
Maraming babae,akong niligawan,
Ngunit bakit kaya,sa puso’t isipan,
Laging nakaukit,ay iyong pangalan.
Kahit na alam kong,mahal kitang tunay,
Hindi ko magawa,ikaw ay ligawan,
Puso natatakot,na iyong iwasan,
Pagkat para sa’yo,ako’y kaibigan.
Dumating ang araw,na di nakayanan,
Lihim na pagtingin,itagong tuluyan,
Ginawa ko sinta,ikaw ay sulatan,
Tapat kong pag-ibig,ay iyong nalaman.
Nangyari nga giliw,pinangangambahan,
Nang iyong malaman,ikaw aking mahal,
Ikaw ay lumayo,ako ay iniwan,
Itinuring akong,traydor na kaybigan.
Araw-araw sinta,ako’y naghihintay,
Sa tuwi-tuwina,laging nagdarasal,
Tanging hinihiling,sa Poong Maykapal,
Nawa makamtan ko,’yong kapatawaran.
Bago sana ako,lumisan sa mundo,
Bago N’ya bawiin,hirap na buhay ko,
Sana patawarin,sa’yo aking samo,
Upang sa’king libing,saya ang baon ko.
Ngayon kung sakali,ako ay mamatay,
Hindi pa nakamit,pang unawang asam,
Asahan mo giliw,sa kabilang buhay,
Di matatahimik,ako kaylanpaman.
Kahit ilang Anghel,ang doon humiling,
Ikaw aking sinta,ay aking limutin,
Sila tatanggihan,aking bibiguin,
Pagkat sadyang ikaw,ay mahal sa akin.
Kahit pa sabihin,ang Poong Maykapal,
Ang siyang magsabing,ika’y kalimutan,
Ito aking sinta,di makakayanan,
Pagkat pag-ibig ko,walang kamatayan…
Mula pagkabata,ay kasama ka na,
Ika’y nakilala,doon sa eskwela,
Naging kaibigan,at kamag-aral ka,
Naging karamay ka,sa saya o dusa.
Bata pa man noon, ako’y humanga na,
Sa iyong talino,sa angkin mong ganda,
Kahit na sabihing,noon ay musmos pa,
Sigurado akong,iyo’y pag-ibig na.
Dumating ang araw,ika’y nagdalaga,
Ikaw aking sinta,lalo kong sinamba,
Sa mga sandaling,ikaw ay kasama,
Ang aba kong puso,puno ng ligaya.
Maraming araw pa,ang mga nagdaan,
Maraming babae,akong niligawan,
Ngunit bakit kaya,sa puso’t isipan,
Laging nakaukit,ay iyong pangalan.
Kahit na alam kong,mahal kitang tunay,
Hindi ko magawa,ikaw ay ligawan,
Puso natatakot,na iyong iwasan,
Pagkat para sa’yo,ako’y kaibigan.
Dumating ang araw,na di nakayanan,
Lihim na pagtingin,itagong tuluyan,
Ginawa ko sinta,ikaw ay sulatan,
Tapat kong pag-ibig,ay iyong nalaman.
Nangyari nga giliw,pinangangambahan,
Nang iyong malaman,ikaw aking mahal,
Ikaw ay lumayo,ako ay iniwan,
Itinuring akong,traydor na kaybigan.
Araw-araw sinta,ako’y naghihintay,
Sa tuwi-tuwina,laging nagdarasal,
Tanging hinihiling,sa Poong Maykapal,
Nawa makamtan ko,’yong kapatawaran.
Bago sana ako,lumisan sa mundo,
Bago N’ya bawiin,hirap na buhay ko,
Sana patawarin,sa’yo aking samo,
Upang sa’king libing,saya ang baon ko.
Ngayon kung sakali,ako ay mamatay,
Hindi pa nakamit,pang unawang asam,
Asahan mo giliw,sa kabilang buhay,
Di matatahimik,ako kaylanpaman.
Kahit ilang Anghel,ang doon humiling,
Ikaw aking sinta,ay aking limutin,
Sila tatanggihan,aking bibiguin,
Pagkat sadyang ikaw,ay mahal sa akin.
Kahit pa sabihin,ang Poong Maykapal,
Ang siyang magsabing,ika’y kalimutan,
Ito aking sinta,di makakayanan,
Pagkat pag-ibig ko,walang kamatayan…
_________________
"mAAring mArAmi
AkOng kAkiLALA,
hALOs di rin mAbiLAng
Ang AKing kAbArkAdA,
pErO...
iiLAn ANg mAsAsAbi kOng
kAibigAn tALAgA"

mikEL- Baranggay Tanod

- Number of posts: 299
Cellphone no.: 01051787412
Points: 61
Reputation: 0
Registration date: 18/06/2008
Re: ...wALAng kAmAtAyANg pAg-ibig...
anu kaba? forever love ba yun/ nga pala uuwi si kuya joel...hehe mabawasan ang friendship natin...

amie sison- SULYAPINOY Literary Section Editor

- Number of posts: 2329
Age: 26
Location: seoul
Points: 149
Reputation: 9
Registration date: 07/02/2008
Re: ...wALAng kAmAtAyANg pAg-ibig...
Ewan ko nalang kung hindi kapa patawarin sa iyong
pagmamakaawa nyan........kulang nalang umiyak ka ng dugo
Grabe ka mainlove idol!!!

pagmamakaawa nyan........kulang nalang umiyak ka ng dugo
Grabe ka mainlove idol!!!


Joel Tavarro- Tapat na Mamamayan

- Number of posts: 112
Age: 34
Location: Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no.: 00000000007
Points: 73
Reputation: 0
Registration date: 13/08/2008
Re: ...wALAng kAmAtAyANg pAg-ibig...
waaahh...
ala na idol
di na kami nagkaunawaan
medyo komplikado eh
hehehe
basta
hapi na xa
oki nako
ala na idol
di na kami nagkaunawaan
medyo komplikado eh
hehehe
basta
hapi na xa
oki nako
_________________
"mAAring mArAmi
AkOng kAkiLALA,
hALOs di rin mAbiLAng
Ang AKing kAbArkAdA,
pErO...
iiLAn ANg mAsAsAbi kOng
kAibigAn tALAgA"

mikEL- Baranggay Tanod

- Number of posts: 299
Cellphone no.: 01051787412
Points: 61
Reputation: 0
Registration date: 18/06/2008
Permissions of this forum:
You cannot reply to topics in this forum






» I Wish YOu all a Great Journey !!
» LOTTE WORLD @ Seoul
» Labor Office Location
» Foreign Slavery
» help!!!me plzzz....
» about nps-sss
» working visa requirements...
» she's amazing....
» employment record
» new law ..
» vacation policy
» MGA KABAYAN
» 안녕 aniong...
» tejicom problem...pls help.
» 3 weeks vacation leave?
» ASK KO LANG PO..MAY TEJIGUM PO BA ANG TNT THAT WORK MORETHAN A YEAR SA ISANG COMPANY?
» An American said about Koreans
» TNT PO AKO AT MAY 4 YEARS OLD PO AKO NA ANAK D2,PD PO BA SYA MAGING KOREAN CITIZEN?
» To all korean wives..payo namn po
» paano pag...
» kabayan yagan tyugan magkano dapat sahurin?
» E8 Visa to E9-2 Visa
» Nokia 6210s
» korean phone open line i
» advice lng
» 2010 Philippine Presidential Election : Who's your bet?
» Dj.Jerome Private Mix Collection 2010
» TNT PO AKO<NEED KO PO NG JOB> ULSAN or GYEONG JU
» THE STENCH OF HATRED
» Have you found your soulmate??
» klt examination
» cbox nmn tau
» part time jobs world wide
» its a matter of family or opportunity for family too.
» 3 Plus 2 sojourn / change workplace ok lang po ba.
» ask lang po..
» Catholic University Korea scholarship..apply now
» Watch this! It will touch and inspire you!
» trouble......