MAraming dinadanas sa abroad na hirap ang mga kababayan natin higit pa sa inaakala ng mga pamilya nila sa Pinas.
Di nila alam ganong hirap ang dinadanas hindi man inaalipusta,pero ang pakikisama sa hindi mo kalahi at ibang kultura at ang isipin na nasa abroad ka ano mang mangyari sa Pamilya mo sa Pinas ala ka doon para saklolohan cla ;ang mga ganyang isipin ang lalong nagpapahirap sa pag buno mo ng bawat araw pag nasa abroad ka.Para kang nasa loob ng piitan yun nga lang...walang Rehas.
Eto ang pinamulat samin ng Nanay ko ng mag-abroad cia.
Naalala ko tuloy sabi ng mother ko noong nag DH cia sa ibang bansa ,lagi daw nya naiisip "Inaalagaan ko ng maigi ang anak ng amo ko,mga anak ko kaya naalagan kaya cla maigi?napapakain kaya cla ng wasto?cno kaya nagtuturo sa kanila pag may homework cla?"
"Noong maliit pa kau lagi ko iniisip sa bawat tagumpay at bagong landas na tatahakin nyo gus2 ko nandyan ako sa tabi nyo para sumuporta,pero kalahati ng buhay nyo ala ako sa tabi nyo,pag nakikita ko kau ngaun naiisip ko parang di ko na kau kilala".
Naisip ko "Oo tama c Nanay,maging cia din parang di ko na kilala".Hindi na nga kami umiiyak ng kapatid ko pag hinahatid namin cia sa Airport,nakasanayan na kc naming sa loob ng 2 o 3 taong isang buwan lang namin ciang nakakasama.
Pero tuwing unang gabi ng pag alis nya lagi akong pasimple umiiyak pag tulog na ang lahat, marahil siguro some where deep inside naghahanp pa rin ako ng Nanay.
Nanay na pag may problema ako yayakap sakin at magbibigay sakin ng kasiguraduhan na lahat magiging maayos.
Nanay na pag may naa-accomplish ako pupuri sakin at magsasabi sakin na mana ako sa kanya.
Nanay na mag sasabi sakin maganda ako.
Nanay na susuporta sakin sa lahat ng bagay na takot kong gawin o daan na takot akong tahakin.
Mahirap ang maiwanan ganun din ang umalis.
Pero dahil sa kalakaran ng sistema ng ating bansa maraming pa ring nakikipag sapalaran.
kadalasan maririnig mong dahilan nila kaya cla nag abroad:
"kaya kong tiisin ang malayo sa pamilya ko pero ang di ko kayang tiisin ang makita clang nagugutom"
tama nga namn,kung may magagawa ka bakit hindi,db?
Kadalasan naiisip ko:
sana ala ng aalis
sana alang maiiwan
sana may paraan para di na kaylanganin na maghiwalay pa
sana,sana at marami pang sana.
Produkto ako ng Pamilya na nag abroad at ngaun isa na rin ako sa mga nakipag sapalaran d2 sa ibang bansa.
Isa ako sa umaasa na mabago ang sistema,na dumating ang araw ala ng kaylangan umalis at maiwanan pa.
Para sa mga kababayan natin sa ibang bansa at sa Pamilya nila Mabuhay tayong lahat!