.........." PAGSUBOK ".........
Page 1 of 1•
.........." PAGSUBOK ".........
……….“ PAGSUBOK “……….
------ Redfox007------
Ang lahat ay dumadaan sa pagsusulit ng buhay
Maging matatag, handa at mahinahon sa lahat ng bagay
Dahil kung hindi malalampasa’y maaring malugmok sa hukay
Mananatiling mahina at aasa na laging may kaagapay.
Subalit kung mapagtagumpayan, balakid sa daraanan
Mga pinagpapagalan ay kaysarap, ligaya sa pakiramdam
Karangalan at kapurihan ang tiyak na nakalaan
Masarap namnamin, sapagkat pinagsumikapan.
Ang pagsubok sa ating buhay ay isang kasangkapan
Upang sukatin at malaman ang ating kakayanan
Kadalasa’y bago makamtan, luha muna ang puhunan
Sarili ay tibayan upang lahat ay malampasan.
Siphayo, pighati at pagkabigo sa buhay ay dumarating
Hindi ito matatakasan, buong-tapang na harapin
Dahil dito ay sinusubok upang patatagin at hubugin
Kung hanggang saan ang layunin ng panalangin.
Basta’t palaging tandaan, kapag dumating ang kahinaan
Huwag makalimot tumawag kay amang makapangyarihan
Siya’y naghihintay upang samahan, gabayan at tulungan
Sa lahat ng panahon, handa ka niyang pasanin, pangunahan.
Re: .........." PAGSUBOK ".........
sang-ayon ako sa iyong mga tinuran
pagsubok sa buhay kadalasa'y dumaraan
subali't ito rin nama'y may katapusan
kaya ang pagdarasal huwag kaliligtaan
kung may suliranin wag panghinaan
ang kailangan ay tatag ng kalooban
huwag matakot sa halip ito'y paglabanan
alalahanin ang Maykapal di ka iiwan kailanman
redfox another poem that's worth reading...thanks..Godbless
pagsubok sa buhay kadalasa'y dumaraan
subali't ito rin nama'y may katapusan
kaya ang pagdarasal huwag kaliligtaan
kung may suliranin wag panghinaan
ang kailangan ay tatag ng kalooban
huwag matakot sa halip ito'y paglabanan
alalahanin ang Maykapal di ka iiwan kailanman
redfox another poem that's worth reading...thanks..Godbless
Re: .........." PAGSUBOK ".........
MGA PAGSUBOK
Minsan ay mahirap ding isipin
Mga pagsubok na dapat harapin
Sakit sa ulo ang ibibigay sa atin
Sa pagharap ay naduduwag rin.
Mga problema na hindi maatapos
Sa sitwasyon na parang nakagapos
O nagpapadala na lang sa bawat agos
Sapagkat damdamin ay naghihikahos.
Ano ba ang nararapat na hakbang
Sa isip na parang nabubuwang
Mga tanong na laging palaisipan
Lagi ko na lang nasasabi na hindi ko alam.
Loaded na ang memory ng utak ko
Sana isang click sa pagdelete nito
Refresh ko man walang epekto
Bagong program kaya ang i-install ko.
Ngunit sa lahat ng mga hamon
Kailangan pa rin nating bumangon
Kaya dapat lagi tayo kumapit sa Poon
At liliwanag ang madilim na kahapon.
Minsan ay mahirap ding isipin
Mga pagsubok na dapat harapin
Sakit sa ulo ang ibibigay sa atin
Sa pagharap ay naduduwag rin.
Mga problema na hindi maatapos
Sa sitwasyon na parang nakagapos
O nagpapadala na lang sa bawat agos
Sapagkat damdamin ay naghihikahos.
Ano ba ang nararapat na hakbang
Sa isip na parang nabubuwang
Mga tanong na laging palaisipan
Lagi ko na lang nasasabi na hindi ko alam.
Loaded na ang memory ng utak ko
Sana isang click sa pagdelete nito
Refresh ko man walang epekto
Bagong program kaya ang i-install ko.
Ngunit sa lahat ng mga hamon
Kailangan pa rin nating bumangon
Kaya dapat lagi tayo kumapit sa Poon
At liliwanag ang madilim na kahapon.









