Pag-asa ng Bayan
Dalaga, binata o merong asawa
Sa hirap ng buhay, hangad mo'y iisa
Iahon sa dusa ang abang pamilya
Nag-abroad ka upang kumita ng dolyar
maski na magpa alila
Naging construction worker at naging caregiver
Sa hirap ng buhay, salat na sitwasyon
Nagtiis at nagtiyaga bunga ng kahirapan
Sapagkat ang buhay ay weather-weather lang yan
Noon: sila sa itaas, ngayon: ikaw naman.
Eh ano kung utusan? Eh ano kung alila?
Tao'y kanya-kanyang diskarte't dilihensya
Ano'ng pipiliin? Maging terorista?
Mangidnap-for-ransom?Mang-agaw ng cellphone?
mag-rally sa Edsa?
Saka meron pa bang ibang aasahan
Liban sa sariling sikap at paraan?
Hawak mo ang susi sa kinabukasan
Kaya nga Bayani ang turing sa iyo
ng ating lipunan.
At habang abala sa kaban ng bayan,
Press release, interbyu, debate, bangayan
Ang Kongreso, Senado, at ang Malakanyang
Umaasa kami, sa iyong patuloy
na monthly remittance.
_________________
"ability is nothing without oppurtunity"