NAKAPAGTATAKA
Walang tigil ang gulo,sa puso’t isipan,
Magmula oh giliw,tayo’y nagkawalay,
Nakapagtataka,ating kapalaran,
Pagkat nagkalayo,puso natin hirang.
Nalimot mo na ba,ang ating sumpaan?
Ikaw lang at ako,habang may buhay,
Sa iyong paglayo,ako ay naiwan,
Puso’y nagtataka,at nanghihinayang.
Nakapagtataka,kung bakit kumupas?
Pag-ibig mo sakin,animo ay wagas,
Meron bang nagawa,mali aking liyag?
Kaya mo iniwang,puso may bagabag.
Nakapagtataka,ang puso ko hirang,
Pagkat hanggang ngayon,ikaw lang ang laman,
Iniwan man itong,sugata’t luhaan,
Ang tibok at pintig,tanging ikaw lamang.
Nakapagtataka,ang palad kong ito,
Pagkat hanggang ngayon,puso alipin mo,
Nakapagtataka,bakit di magbago?
Pintig ng puso ko,laging laan sa’yo.
Nakapagtataka,kahit wala ka na,
Bakit di magawa,limutin ka sinta,
Saan man tumingin,laging nakikita,
Maamo momg mukha,sa tuwi-tuwina.
_________________
"mAAring mArAmi
AkOng kAkiLALA,
hALOs di rin mAbiLAng
Ang AKing kAbArkAdA,
pErO...
iiLAn ANg mAsAsAbi kOng
kAibigAn tALAgA"