My Kuya, My mentor
Noon akala ko ikaw ay suplado
Parang di maabot,at laging seryoso
Paanong naging volunteer, nagtataka ako
Kung mukhang masungit at di palangiti ang tipo.
Sa community announcement, narinig sa speaker
Computer literacy ay kanilang offer
Kung interesado sa kanya magparegister
Para makapasok sa program ng volunteer.
Tinanggihan ako, bilang isang student
Ako daw ay marunong na at magaling sa computer
Inalok sa akin ang pagiging teacher
Tinanggap ng buong puso, baka ikaw’y maimpress.
Nakasama sa committee,at ikaw ay nakilala
Ang galing at talino mo sadyang kakaiba
Salamat sa mga turo mo,magaling kong kuya
Sa pagiging pasaway,salamat sa pasens'ya.
Sa iyong desisyon,kami ay nabigla
Hindi napigilan ang aming pagluha
Sambayana'y nalulungkot sa iyong pagkawala
Sa dalangi'y kalakip ka oh kuya kong minumutya.