amie sison SULYAPINOY Literary Section Editor


Number of posts: 2331 Age: 27 Location: seoul Points: 131 Reputation: 12 Registration date: 07/02/2008
 | Subject: i love hyehwa Mon Feb 18, 2008 1:42 am | |
| SALAMAT HYEHWA
Unang pagpunta ko dito sa Hyehwa Ako ay nagkaroon ng pag-asa Kay daming Pilipinong makikita sa kalsada Inisip ko di pala ako nag iisa
Napa iyak pa ako nang sila'y nasilayan Kung di ko na matiis ang aking byenan Ang Hyehwa ang aking unang pupuntahan Para sa problema ko ako'y kanilang damayan
Malaking tulong sa akin ang simbahang Katoliko Para sabihin ang lahat nang nasa loob ko Ang lahat ay todong maisigaw ko Para sa problema ay makayanan ko
Ilang buwan din at hindi ko na sila kasama At ang anak ko ang tanging pag-asa Doon muna ako sa Pinas upang makasama ang pamilya Sa paglabas nya ,kanilang makita
Sa pagbalik ko sa Hyehwa muling dumalaw Nalaman pati ang center na naging aking tanglaw Sa mga taong nang api sa akin di nila ako magagalaw Takot lang nila pag ako'y sumigaw
Salamat Hyehwa sa iyong tulong Sumaya ako sa kaunting panahon Pagkat magtrabaho muna ako doon sa Daejon Upang pamilya, aking maiahon
Patawad kung minsan lang kita mapasyalan Pagkat ako ay nagkaroon ng kasintahan Ang simbahan ng Gasan ang aking naging takbuhan Tulad din ng turing sa kahit anong simbahan
Isang taon din at ang relasyong ay natapos na Bumalik muli ako dito sa Hyehwa Ngayon ay paglilingkuran na kita At ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya
sept.04, 2007
Last edited by on Tue Feb 19, 2008 9:00 pm; edited 1 time in total |
|
cedie Masipag na Mamamayan


Number of posts: 44 Age: 34 Location: Daewoo IAAN 616 Baekseok-dong Ilsan-ku, Goyang-City Gyeonggi-area, S. Korea Cellphone no.: 010 8604 8884 Points: 0 Reputation: 0 Registration date: 08/02/2008
 | Subject: Re: i love hyehwa Mon Feb 18, 2008 1:39 pm | |
| Thanks for the compliments sis... I won't be able to make one without any inspiration with the works that you already done....
Continue expressing thoughts to encourgare more talents! God Bless!!! |
|