| | | Hapis - a 4-part poem series | |
| | Author | Message |
|---|
zack Admin


Number of posts: 175 Points: 426 Reputation: 0 Registration date: 06/02/2008
 | Subject: Hapis - a 4-part poem series Sat Jul 18, 2009 6:18 pm | |
| I have created a 4-part series poem for Samabayanan entitled Hapis part 1 has been included in the June 21, 2009 issue Hapis
part 1 - takip-silim by zack
may isang oras na akong naghihintay sa tipanang lugar tila nakabantay palubog na araw ako'y nakatunghay ngiti sa 'king labi'y kupas na ang kulay
mula sa malayo aking nabanaag hugis mong palapit sa upuang papag biglang napatayo may ngiting maluwag akto kong pagyakap paspas mong sinalag
ako'y nabigla sa bago mong kinilos ika'y pinaupo, kahit litong lubos anung nasa-isip hindi ko matuos loobin mo irog dagli mong ibuhos
alumpihit wari'y di ka mapakali bikig sa lalamunang di maipakli sa buntong-hininga lahat ikinubli ngatal ang labi wala pa rin masabi
luha'y namalisbis di mo napigilan sapo ang mukha ako'y tinalikuran iyong dahilan pautal na tinuran sa makalawa na ika mo'y lilisan
Patda ma't nabigla muli kong nilinaw nginig na tinanong sa boses na bahaw bakit ka lalayo tingin ko'y mababaw saan man mapadpad ako'y t'yak dadalaw
dagling bumalikwas kimkim ay sinambit magulang ika'y pinagkasundong pilit binatang mayaman hatid daw ay langit usapa'y tupdin ng Ama'y 'di magalit
sa king kabiglaan di ko napigilan hangos kang umalis sa ating tagpuan pabagsak napaluhod, napiping luhaan sugatan kong puso'y baldadong iniwan
------------------------------------------------- part 2 is included in the july 19,2009 issue of Sambayanan (tomorrow, dont forget to grab a copy after the Sunday Mass)
Hapis (part 2 - hating-gabi) by zack
'di ko namalayan paglipas ng oras ilang ulit na bang luha ay naglandas mistulang kandilang naupos ang ningas alas-dose na pala'y di pa rin hulas
O! Buwan! kay sakit nang isinukli wagas na pag-ibig na di maikubli iyong pasyang walang paghuhunos-dili bakit ako'y labis na nagdalamhati
hila ng paa'y mabagal na umusad ika'y nasa isip habang lumalakad tungo'y inyong bahay nais na ilantad hangaring mapigil kang mapasa-syudad
di ko inakalang paalis na kayo kasamang pamilya sa lungsod darayo di sinasadyang makita sa malayo ngiti mong kay tamis sa bago mong nobyo
kirot, singsakit ng taga ng balaraw sa di inaasahang aking natanaw hatak ng isip ako'y muling gumalaw palayong lugami sa gabing mapanglaw
manhid ang isip, ambon di alintana pagkat dalang lungkot sayad hanggang lupa ultimo ang langit ay nakikiluha kahit mga aso tila ngumangawa
sa may di kalayuan aking napuna papasarang tindahan ni aling Nena hangos kong hinabol upang makasama sa aking lumbay, malamig na serbesa
lunurin mo ako kumpareng inumin upang mga subyang sa puso'y walain hapdi'y matakasan, aking panalangin bukas pagkagising, sugat paghilumin
-------------------------------------
parts 3 and 4 will be soon posted after being published inside the Likhaan section of Sambayanan. Also, i will be sharing some of my works at our newsletter soon 
Enjoy Reading!  |
|  | | aries ventura Tapat na Mamamayan


Number of posts: 105 Age: 30 Location: paltan near in faran Points: 131 Reputation: 0 Registration date: 05/04/2009
 | Subject: Re: Hapis - a 4-part poem series Sat Jul 18, 2009 6:32 pm | |
| |
|  | | candy Seosaengnim


Number of posts: 476 Points: 615 Reputation: 3 Registration date: 14/05/2009
 | Subject: Re: Hapis - a 4-part poem series Sat Jul 18, 2009 9:45 pm | |
| grabe na ito,tagos hanggang buto,sana wag ng ibalik ang kahapon kung magdudulot lang ito ng walang katapusang pag luha. |
|  | | zack Admin


Number of posts: 175 Points: 426 Reputation: 0 Registration date: 06/02/2008
 | Subject: Re: Hapis - a 4-part poem series Wed Aug 12, 2009 1:49 am | |
| part 3 published : August 2,2009 issue of Sambayanan
Hapis part 3-Bagong Buwan
kasabay ng alak, tiim na inusal pighati sa pusong ikaw lang ang dasal manhid na katawan, isip di mapagal tubig ng pagsuko, sa mata'y nunukal
mga boteng karamay di man umimik hinaing ng puso, dinig ng tahimik kasintahang umalpas di na babalik mata'y mugto, tuloy pa din sa paggibik
sa aking likuran, di ko namalayan walang ingay na paglapit ni Mang Juan Naupo sa harap, San miguel ay taban Bukas na tindahan, sa kanya iniwan
"Mawalang-galang na iho", kanyang sambit "...kung sa kwentuhan, ako'y maging makulit" "sa iyong mukha'y may bakas na pait" dugtong pa nya'y "pwedeng malaman kung bakit?"
Sa pagitan ng tagay aking nilahad simpleng pangarap na di na matutupad nobyang ipinilit sa pangakong huwad gumuhong pag-ibig, palayong lumipad
"Minsan sa buhay kailangang dumating... Unos at pagsubok, dilim at pagdaing. Upang sa huli'y manatiling magiting mas mapahalagahan, grasyang darating"
sa aking kalanguhan di ko napuna unti-unting pagsingkit ng aking mata pahabol na payo, di na maunawa di namalayan marahang pagbulagta
mata'y dumilat ng maalimpungatan mabining haplos, mukha'y pinupunasan ngiting pinangbati, anak ni mang Juan Dalagang tila anghel sa 'king harapan |
|  | | jorey30 Masipag na Mamamayan


Number of posts: 46 Age: 34 Location: anyang Points: 86 Reputation: 0 Registration date: 02/07/2008
 | Subject: Re: Hapis - a 4-part poem series Wed Aug 12, 2009 5:01 am | |
| ang ganda ng mga poem mo zack, nakakainspired..tumatama sa mga kagaya kong lonely ang life...aantayin ko pa ang ibang part...thanks for sharing,. god bless |
|  | | ji2maverick Masipag na Mamamayan


Number of posts: 49 Age: 28 Location: Itaewon, Yongsan-Gu, Seoul Points: 90 Reputation: 0 Registration date: 12/08/2009
 | Subject: Re: Hapis - a 4-part poem series Thu Aug 13, 2009 12:46 am | |
| wow!!! ang ganda po... a brillant poem! anyway, sa mga bigo diyan sa love, don't worry at may nakalaan talaga para sa inyo.. we don't need to find for them kasi kusang darating lang iyan.. just enjoy your life na lang muna para hindi masayang, di ba? sa hubby ko (ajejejeje! sounds corny) thank you for always being there for me, no matter what..  |
|  | | candy Seosaengnim


Number of posts: 476 Points: 615 Reputation: 3 Registration date: 14/05/2009
 | Subject: Re: Hapis - a 4-part poem series Thu Aug 13, 2009 12:52 pm | |
| thank you for sharing this....it's truely inspiring.... |
|  | | Guest Guest
 | Subject: Re: Hapis - a 4-part poem series Fri Aug 14, 2009 9:01 am | |
| |
|  | | goodheart Board Member


Number of posts: 844 Location: Seoul, korea Points: 64 Reputation: 0 Registration date: 10/06/2008
 | Subject: Re: Hapis - a 4-part poem series Fri Aug 21, 2009 12:54 pm | |
| speechless:) _________________ "All things work together for good, to them that love the lord"
|
|  | | | | Hapis - a 4-part poem series | |
|
| Page 1 of 1 |
| | Permissions of this forum: | You cannot reply to topics in this forum
| |
| |
| | Statistics | We have 7605 registered users The newest registered user is blossom
Our users have posted a total of 43529 messages in 4150 subjects
|
| Top posters | | chayen | | | crazy_kim | | | amie sison | | | neon_rq | | | marj | | | dave | | | Cielo | | | kissinger_19 | | | angel | | | goodheart | |
|
|