Joel Tavarro Tapat na Mamamayan


Number of posts: 114 Age: 34 Location: Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea Cellphone no.: 00000000007 Points: 77 Reputation: 0 Registration date: 13/08/2008
 | Subject: GANTI NG KALIKASAN Fri Feb 05, 2010 7:40 am | |
| GANTI NG KALIKASAN Joel Tavarro Malupit na hambalos ng mga nagdaaang bagyo Ngayon’y napagmasdan, pabaon niyang delubyo Buhay ang kinitil, upang mag paalaala sa mga tao Sapagkat malinis na hangin, nilason at inabuso. Berdeng kagubatan, kabunduka’y kinalbo Yaman ng kalikasan, pinagsamantalahan, inararo Para sa sariling kapakanan ng ilang ganid at maloko Esterong barado, basurang itinapon, babalik din sa’yo. Bulkang Mayon ay nag alburoto, walang sinasanto Ipinamalas sa lahat, taglay na asupreng nakapapaso Nagbabayang wasakin, lahat ng nasa paligid nito Kung pagninilayan, silip sa pintuan ng impiyerno. Palalong karagatan, pag-atake mo’y anung lupit Maraming maglalayag na rin, niligis at pinilipit Sa lawak ng tubig nito, hindi lubos maisip kung bakit Mga barko at bangka sa silong mo’y nakahalukipkip . Lindol na yumanig , yaman sa lupa’y kinukupit Ilang buhay pa kaya ang maaaring maumit Iniwang larawan sa gunita ay nakaipit Ganti ng kalikasan, abot langit ang sakit. |
|
Cielo Seosaengnim


Number of posts: 1312 Points: 139 Reputation: 0 Registration date: 18/02/2008
 | Subject: Re: GANTI NG KALIKASAN Wed Feb 10, 2010 9:30 pm | |
| 3 na sa post mo ang nabasa ko todaY lahat nagustuhan ko ang galing mo bro keep on posting |
|
lhea Super Sipag na Mamamayan

Number of posts: 70 Age: 24 Location: seoul korea Points: 91 Reputation: 0 Registration date: 04/12/2009
 | Subject: Re: GANTI NG KALIKASAN Fri Feb 12, 2010 10:24 pm | |
| magling tlg yan..literary editor b nmn ng sambayanan newsletter eh..
fish tau bro joel..hahhahahah takot m lng skin db?? _________________ "words without action is useless"
|
|