"Buhay OFW"
by:christianDior
Araw ng mga puso,bakit ka nag-iisa?
malungkot ang mukha tila nangungulila
saglit mong naiisip,bahagyang naalala
masasayang sandali sa piling ng yong sinisinta
Pilit mong kalimutan,kailangan magpakasaya
tawagin ang mga kaibigan, mga bagong kakilala
dumalo't sumali sa samahan,nandiyan din ang FEWA
maging matatag ka kaibigan habang tayo'y nasa korea
Bakit ka ba nagtatrabaho't nagsasakripisyo
bakit mo ba iniiwasan mga nakakatuksong bisyo
para ba sa iyong pamilya at buhay nila'y umasenso?
kung yan ang dahilan kaibigan,ako sayo'y saludo
Maraming nakikipagsapalaran maging OFW
halos nagkalat na ang pinoy,saang sulok ng mundo
maraming yumaman,ang ilan ay naging milyonaryo
pero meron namang di pinalad at umuwing bigo
Maswerte man o hindi,kapalaran ay nasa ating mga kamay
kung paanu mo gagamitin talinong ibinigay
matuto sa pagkakamali at lumaban sa buhay
tiyak iyong makakamtan pinapangarap mong tunay
Takbo ng oras,maging nang ating buhay
di man natin hawak kaya't humingi tayo ng gabay
lumapit sa PANGINOON sa Kanya mo idalangin
maging kapakipakinabang natitirang buhay natin.
_________________
" HAPPINESS IS YOUR OWN RESPONSIBILITY."