Joel Tavarro Tapat na Mamamayan


Number of posts: 114 Age: 34 Location: Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea Cellphone no.: 00000000007 Points: 77 Reputation: 0 Registration date: 13/08/2008
 | Subject: " BRILYANTENG KAIBIGAN " Fri Nov 07, 2008 10:45 pm | |
| BRILYANTENG KAIBIGAN Joel Y. Tavarro
Palaging sa iyo ang takbo kapag may hinagpis Ang balikat mo ang yakap habang tumatangis Kung ikaw ang kasama, dinaramdam ay naaalis Hinahangaan at ipinagmamalaki kita ng labis.
Ang tunay na kaibigan ay mahirap matagpuan Na maaasahang tunay at mapagkakatiwalaan Sa mga problema't at pagkabalisa, sa tuwina'y nariyan At handang dumamay sa oras ng pangangailangan.
Nakikinig kung may hinaing at silbing hingahan Kaibigang nagpapalakas sa tuwing pinanghihinaan Walang sawang nagtutuwid, kung mali'y pinaaalalahanan Bagamat minsan ay dumarating na nagkakatampuhan.
Ito'y nangyayari, di maiwasan at natural lamang Para magkaunawaan, bawat isa ay magkapalagayan upang lumalim at bumuti ang samahang pangmatagalan Ang paggalang na tunay ay dapat pahalagahan.
Kaibigan na karamay sa oras ng pighati at kasawian Sa hirap man o ginhawa, umaalalay maging sa kalungkutan Palaging kaagapay, maging sa kasayahan ay nariyan Kasa-kasama lagi sa tuksuhan, biruan at kulitan.
Kaligayahan at kayamanan ka sa puso at isipan Ang isang tulad mo'y mahirap matagpuan Maging kaibigan ka ay isang malaking karangalan Marapat na pakaingatan, tulad mo'y brilyanteng kaibigan. |
|
reeve Co-Admin


Number of posts: 274 Age: 24 Location: Anyang City, South Korea Points: 47 Reputation: 0 Registration date: 02/03/2008
 | Subject: Re: " BRILYANTENG KAIBIGAN " Fri Nov 07, 2008 10:59 pm | |
| Maraming salamat bro. Joel,
Enjoy your vacation sa Pinas Sana makabalik kp dito kung hndi mag petition kami hehehe..
Meron ka pla brilyanteng kaibigan, mabuti nman bro. Joel. Wla b gintong kaibigan? hahaha..
Von voyage nlng bro sa pag uwi mo Pinas maraming brilyante duon hahaha God bless you...  |
|
amie sison SULYAPINOY Literary Section Editor


Number of posts: 2331 Age: 27 Location: seoul Points: 131 Reputation: 12 Registration date: 07/02/2008
 | Subject: Re: " BRILYANTENG KAIBIGAN " Mon Nov 10, 2008 2:06 pm | |
|  nabasa ko itong title na ito sa caption ng picture natin sa friendster ni kuya jun...hehe! |
|