..aNG TuNaY Na MaKaTa...

Post new topic   Reply to topic

View previous topic View next topic Go down

..aNG TuNaY Na MaKaTa...

Post by mikEL on Wed Oct 08, 2008 7:42 pm

ANG TUNAY NA MAKATA

Ang tunay na makata kahit saang dako
Di matutularan taglay na talino
Sa talas ng isip hindi patatalo
Pagkat pinanganak na tunay na henyo.

Ang tunay na makata hindi lang magaling
Sa pag tugma-tugma o paghambing-hambing
Kanyang ginagamit itong puso mandin
Upang makalikha ng tulang kaylalim.

Ang tunay na makata sa lahat ng oras
Mapapagana isip na matalas
Kahit walang tulog at palaging puyat
Makabuluhang tula malilikha agad.

Ang tunay na makata kinagigiliwan
Iniidolo at hinahangaan
Pagkat maga tula ay may kabuluhan
Kaya mga tula pinaka-aabangan.

Ang tunay na makata ay maihahambing
Sa talang marikit sa talang maningning
Sa bawat sandali ang kinang at ning-ning
Hindi kumukupas at di nagmamaliw.

Ang tunay na makata sadyang pinagpala
Pagkat may talinong mula kay bathala
Taos pusong handog papuri't paghanga
Sa mga kaibigang tunay na makata.
alien

mikEL
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Posts : 213
Joined : 19 Jun 2008

Back to top Go down

Re: ..aNG TuNaY Na MaKaTa...

Post by Joel Tavarro on Wed Oct 08, 2008 8:13 pm

bakit nga kaya ang makata
ang libangan ay lumikha ng tula
kapag umarangkada na'y marami ang nabibigla
kung kaya naman sa larangang ito marami ang humahanga

binabati kita kaibigan ko kaybilis mong tinapatan
ang kinatha kong tunay na pinaghirapan
isa ka ngang henyo sa larangan ng tulaan
kaya naman labis kitang hinahangan.

sa iba pang makakatunggali
patimpalak ng sulyapinoy magmadali
ilahok ang iyong likha upang makasali
para sa unang anibersaryo ay mapili.

huwag naman sana kayong panghinaan
sa aming mga enjoy na sagutan
hindi lamang mapigil ang pakiramdam
dahil sa tuwa, dito ay ipinapaalam
.......redfox007

Joel Tavarro
Super Sipag na Mamamayan

VirgoMonkey
Posts : 86
Joined : 13 Aug 2008
Age : 76
Location : Ilsan, Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 007

Back to top Go down

Re: ..aNG TuNaY Na MaKaTa...

Post by _Angelica_ on Thu Oct 09, 2008 10:29 am

bakit nga kaya ang makata
ang libangan ay lumikha ng tula
kapag umarangkada na'y marami ang nabibigla
kung kaya naman sa larangang ito marami ang humahanga

binabati kita kaibigan ko kaybilis mong tinapatan
ang kinatha kong tunay na pinaghirapan
isa ka ngang henyo sa larangan ng tulaan
kaya naman labis kitang hinahangan.

sa iba pang makakatunggali
patimpalak ng sulyapinoy magmadali
ilahok ang iyong likha upang makasali
para sa unang anibersaryo ay mapili.

huwag naman sana kayong panghinaan
sa aming mga enjoy na sagutan
hindi lamang mapigil ang pakiramdam
dahil sa tuwa, dito ay ipinapaalam[/color].......redfox007[/quote]


hehehe siyempre mabilis kuya kasi mukhang iisa lang kau eh tawa
anyway, magaling ka nga...(peace) Razz

_Angelica_
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Posts : 49
Joined : 19 Jun 2008
Location : philippines

Back to top Go down

Re: ..aNG TuNaY Na MaKaTa...

Post by mikEL on Thu Oct 09, 2008 6:02 pm

maraming salamat sa reply mo angelica
pero sino ba ang sinasabi mong iisa
naku kami po ni redfox ay magkaiba
sa katunayan sa akin ay mas magaling siya

alam kong sa darating na paligsahan
tiyak si redffox ay maraming pahihirapan
alam mo ba ang tula niya lagi ay may laman
kaya tiyak na akda niya ay hahangaan

sigurado ako na siya ay isa na
sa mapipili na magagaling na lima
ako ang isa sa lubhang magsasaya
pagkat kaibigan ko siyang talaga...
alien

mikEL
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Posts : 213
Joined : 19 Jun 2008

Back to top Go down

Re: ..aNG TuNaY Na MaKaTa...

Post by Joel Tavarro on Thu Oct 09, 2008 6:16 pm

nakita mo na angel si idol at ako ay magkaiba
pareho lamang kaming mahilig kumatha ng tula
pero siya ay may angking pambihira
ibang sinabi nya ay huwag masyadong maniwala.

hindi ikinakaila na kami ay magkaibigang totoo
pero ang tulad nya ay tunay na henyo
sa larangang ito siya'y beterano
at ako naman ay isang bagito....


Last edited by redfox007 on Thu Oct 09, 2008 6:42 pm; edited 2 times in total

Joel Tavarro
Super Sipag na Mamamayan

VirgoMonkey
Posts : 86
Joined : 13 Aug 2008
Age : 76
Location : Ilsan, Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 007

Back to top Go down

Re: ..aNG TuNaY Na MaKaTa...

Post by Joel Tavarro on Thu Oct 09, 2008 6:29 pm

kaya sa darating na paligsahan
ang magwawagi ay ating pakaabangan...............
isip

Joel Tavarro
Super Sipag na Mamamayan

VirgoMonkey
Posts : 86
Joined : 13 Aug 2008
Age : 76
Location : Ilsan, Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 007

Back to top Go down

Re: ..aNG TuNaY Na MaKaTa...

Post by amie sison on Thu Oct 09, 2008 8:55 pm

wow!

hanga i admire you guys...

amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

LeoPig
Posts : 2087
Joined : 08 Feb 2008
Age : 25
Location : seoul

Back to top Go down

Re: ..aNG TuNaY Na MaKaTa...

Post by angel on Sat Oct 11, 2008 6:36 pm

para sa akin ang tunay na makata
hindi lang nakikita sa haba ng tula
o sa pagtugma-tugma ng mga salita
kailangan siya rin ay mapagkumbaba

mayroong puso ang mga akda
mensahe dama ng buong madla
nakakaiyak man o nakatutuwa
importante lahat ay nakauunawa

pagdating naman sa paligsahan
pagkabeterano di ito isang basehan
kahit bagito, ito'y meron ding laban
kaya wag matakot na ito'y subukan

kung sino man ang tanghalin
desisyon nila ating respetuhin
maluwag natin itong tanggapin
dahil lahat may galing na angkin


i congratulate in advance all the participants in the upcoming Sulyapinoy's poem contest
lose or win keep on fightin'... mabuhay tayong lahat
cheers

angel
Board Member
Board Member

TaurusGoat
Posts : 847
Joined : 19 Apr 2008
Age : 29
Location : UAE
Cellphone no. : +971509149748

Back to top Go down

Re: ..aNG TuNaY Na MaKaTa...

Post by cherryl on Tue Nov 04, 2008 8:25 pm

Beautiful poem Mike!

cherryl
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

LibraBuffalo
Posts : 28
Joined : 06 Mar 2008
Age : 35
Location : Busan City

Back to top Go down

Re: ..aNG TuNaY Na MaKaTa...

Post by reeve on Wed Nov 05, 2008 10:50 pm

angel wrote:para sa akin ang tunay na makata
hindi lang nakikita sa haba ng tula
o sa pagtugma-tugma ng mga salita
kailangan siya rin ay mapagkumbaba

mayroong puso ang mga akda
mensahe dama ng buong madla
nakakaiyak man o nakatutuwa
importante lahat ay nakauunawa

pagdating naman sa paligsahan
pagkabeterano di ito isang basehan
kahit bagito, ito'y meron ding laban
kaya wag matakot na ito'y subukan

kung sino man ang tanghalin
desisyon nila ating respetuhin
maluwag natin itong tanggapin
dahil lahat may galing na angkin


i congratulate in advance all the participants in the upcoming Sulyapinoy's poem contest
lose or win keep on fightin'... mabuhay tayong lahat
cheers



Hi Angel,

How are you?
CONGRATULATIONS !!!
KOREK KA DYAN...

Sana mag join na kau ... mag submit po kayo ng articles nyo
email to : fewa.prexy@gmail.com
Hihintayin ko po mga articles nyo...
Maraming salamt po

reeve
Super Moderator
Super Moderator

AquariusBuffalo
Posts : 194
Joined : 02 Mar 2008
Age : 22
Location : Anyang City, South Korea

Back to top Go down

Re: ..aNG TuNaY Na MaKaTa...

Post by reeve on Wed Nov 05, 2008 10:56 pm

cherryl wrote:Beautiful poem Mike!



Hi Ms. Cherryl,

Mzta po kayo?
Pls join us...
Send me your articles: fewa.prexy@gmail.com

Sa totoo po need namin ang katulad mo meron background sa journalism
Pls share your experiences...and help SULYAPINOY to grow.

Your kababayans need you !!!
Let us share our talents for the glory of God
Thank you


Reeve

reeve
Super Moderator
Super Moderator

AquariusBuffalo
Posts : 194
Joined : 02 Mar 2008
Age : 22
Location : Anyang City, South Korea

Back to top Go down

Re: ..aNG TuNaY Na MaKaTa...

Post by cherryl on Tue Nov 11, 2008 8:25 pm

Hello Mr. Revee,
Yes, I`ll be helping Sulyapinoy in any way I can.
More power to Sulyapinoy and other newsletters in SKorea. I admire you guys, keep up the good work!
Always smile, kahit madami ang pressure makahabol lang sa deadline, hehe!
God bless !

cherryl
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

LibraBuffalo
Posts : 28
Joined : 06 Mar 2008
Age : 35
Location : Busan City

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


Permissions of this forum:
You cannot reply to topics in this forum