______Ugali_____
Page 1 of 1•
______Ugali_____
____Ugali_____
Tunay na nakakainis taong may ugaling alimango
nakahiligan ay hilahin pababa ang kapwa-tao
naiingit sa iba at sa sarili ay hindi makuntento
pag-umangat ng kaunti tiyak pilit kang iguguho
kahit nasa ibang bansa pa, kakabit na nila ito
kahit kababayan na, kanilang pa ring tinatalo
minsan sinusulot pa nga mismo ang trabaho
iba’y naninira at nagpaplapad ng papel sa amo
bakit nga ba hindi maalis-alis ang ugaling ito?
kasamaan tagus-tagusan hanggang sa mga buto
di na nakapagtataka bakit Pinas hindi umaasenso
patuloy ang paghihirap hanggat may taong ganito
asal ng baboy naman ang pinaiiral ng iba
katakawan di lang sa pagkain maging sa pera
kahit ano pinapatulan para lamang kumita
maging kapalit man ay ang kredibilidad nila
ito ay walang pinagkaiba sa ugaling buwaya
sinasakmal kahit ano halos walang itinitira
pumapayag na suhulan kahit ito'y bawal pa
matataas na tao sa paglabag pa ang nangunguna
kalimitan pa taong gobyerno ang mga sangkot dito
kaya di mo masisisi kung bakit walang tiwala ang tao
di na malaman kung sino na ang tuwid at diretso
sistemang ganito sana’y may pag-asa pang mabago

Re: ______Ugali_____
para kay angel.......
bakit nga kaya ang ugali ng ating mga kababayan
asal talangka hindi mawala, palaging tangan
saan man makarating dulot ay kahihiyan
lahat ay gagawin upang ika'y siraan.
sadyang nakaburda sa katawan ang inggitan
lalu na kung ikaw ay magaling, titirahin ng talikuran
minanang asal, sana sa madaling panahon'y wakasan
sapagkat wala namang makukuha kahit medalyang tansan.
tunay nga na nakakainis kapag ganun ang kasama
ang iyong pag-iisip masisira sa tuwina
ang puso't damdamin ay talagang sasama
hayaan na lamang sila din ay makakarma.
idol angel.....kung ang akda mo'y totoo man
handa kitang damayan, dahil ikaw na'y aking kaibigan
kahit hindi pa ganun kakilala, ako nawa'y pagkatiwalaan
sa takdang panahon, ilalagak ang tiwala sa akin nang lubusan.
para sayo tanda ng pakikipag kaibigan kong walang ibang halo, tanggapin mo...........

redfox ...
salamat mula ngayon tayo na'y magkaibigan
akda ko hindi man ginto pero tunay yan
karanasan ng ilan nating mga kababayan
sa Pinas at maging sa ibang bansa man
again thank you redfox...welcome to my circle of friends...

in this world people are different. one of the best thing we can do is to find what we have similarities to other people.