Paalala po ulit sa lahat ng kababayan natin na kabilang sa 3 + less than 2 yrs ( or almost 5 yrs straight), para po sa kaalaman ng lahat, ang 3 yrs po na sojourn period ay maaaring hindi po maextend kung hindi po kayo i-eextend ng inyong pinakahuling amo bago matapos ang inyong 3 yrs sojourn period. Ibig po sabihin, kung hindi ka nila bibigyan ng reemployment, uuwi ka na po sa pinas. At para doon naman po sa mga susuwertihin na makakuha ng extension. may karagdagang kulang 2 taon kayo para makapagtrabaho ulit dito sa korea. Ang kaibahan lang po ng 3+3(old act) at 3+less-than-2yrs(new act) ay kapag narehire ka, sa old act po ay kinakailangan mo magexit ng korea (umuwi sa pinas) at bumalik muli sa korea para sa panibago 3 yrs, pero sa new act, kung marerehire ka, hindi mo na kailangan umuwi ng pinas at kumuha ng panibagong visa, maaari ka na derecho magtrabaho. Pwede ka umuwi para lang magbakasyon
Kung kaya't sa mga nag-iisip na pagkatapos ng 3 taon ay di na sila pipirma sa mga amo nila para makalipat, mali po ang inyong iniisip, dahil sila lamang po ang susi para marehire kayo. Kung kaya't di kayo pwede lumipat sa pagtatapos ng inyong 3 taon. Maari lamang po kayo lumipat ng ibang kumpanya kung nagsisimula na kayo sa inyong less than 2 yrs at kayo ay i-release ng inyong amo, dahil sa sila ang dahilan o di kaya ay meron kang sapat na dahilan na kinikilala ng labor center para makapagparelease ka ss iyong amo. Muli po, hindi po automatic na lahat ay derecho magtatrabaho ng less than 5 yrs. kinakailangan po muna kayong marehire ng inyong mga amo bago matapos ang inyong 3yrs sojourn period. Sana po ay maliwanagan kayo.