hello sa iyo kabayang korea3480,
karagdagan kasagutan sa iyong katanungan..
Tama na kung ano ang date of entry mo ay yon din ang end of contract mo.halimbawa dumating ka ng korea ay dec 02,2007 matatapos ka ng dec 01,2010. lumipat ka man ng kumpanya. ito pa rin ang susundin mo.
Tungkol nmn sa reles pwede kang mgpareles ano mang oras pero ito ay na-aayon sa kadahilanan o kautusan katulad halimbawa ng PAGKALUGI NG KUMPANYA,HINDI KA NAKAKATANGGAP NG SAHOD SA LOOB NG 2 BUWAN MAGKASUNOD,AT KUNG IKAW AY MINAMALTRATO (SINISIGAWAN O PINAGBUBUHATAN NG KAMAY).. ayon sa bagong batas sa paggawa ang sinuman EPS na nakakaranas ng 3 taon karagdagan sa kontrata ay pinagkakalooban ng 3 beses na reles,samantalang ang mga nkakaranas at makakaranas palang ng 1 taon at 10 buwan na karagdagan kontrata ay pinagkakalooban lamang ng 2 beses na reles.
Sa kaso mo kabayan korea3480 ay pwede mong gamitin ang reles mo sa hunyo dahil ito ang araw o buwan na matatapos ang kontrata mo sa nilipatan mong kumpanya.paalala lang kabayan piliin mong mabuti ang kumpanyang iyong lilipatan magtanong ka sa employer kung tumutupad ba sa mga itinakdang batas sa paggawa bago mo tanggapin at lumagda,ito dapat ang mga itinatanong natin hindi kung magkano ang suweldo dahil alam naman natin ang pinakamababang pasahod.
Hanggang dito na laman kabayan sana ay nakapulot ka ng karagdagan kaalaman dito sa aming web site,at kung meron ka pang katanungan at ganon din ang iyong mga kaibigan ay wag mag-atubilin buksan ang inyong computer at ihayag ang inyong katanungan. Ang maglingkod sa inyo ay taos puso namin tinatanggap at pinapangahalagaan..
Mabuhay kayo at mag-ingat at magdasal palagi..
maraming maraming salamat sa inyo....
)